kung mag-Filipino kaya ako???para maiba naman dahil maglilinggo ng wika na naman.
salamat nawa at nahimasmasan na ko pagkalabas ko ng edipisyo ng opisina namin.
agad akong tumungo sa aking paboritong pamilihan. paborito sapagkat marami akong nakikitang maaari kong pagkagastusan.sa tingin ko kasi mas marami akong mapagpipilian dito kaysa sa megamall na napaka-lawak naman masyado para ikutin. alalahanin natin, limitado lang aking panahon para tumingin-tingin. ginawa kong umikot na rin dahil sa napipintong "sale" bukas.gustong-gusto ko kasing nakikibahagi sa mga ganitong pagkakataon. may kakaibang kasiyahan ang naidudulot nito sa akin. lalong lalo na nang makita ko na meron pala sa aking kasya sa aking mga damit sa paperdolls...hmmmmh..dumarami ang aking pagpipilian. at hindi ko rin matanto kung bakit ako nagkakaganito. mukhang abala ako sa aking mga kasuotan at pangkaayusan. sa katunayan ay magpapakulay kami ng buhok ng kaibigan ko ngayong sabado.sana naman ay maging maayos.
may isa pa pala akong dapat ipagsaya. ito ay ang pagkakagawa ng aircon ng ayee kong mahal. di ko na kakailanganin na gumastos para sa pagpapagawa. malamang pupunuin ko na lang sya ng gasolina. hay. mahal na mahal ko ang sasakyang iyon kahit ganon yun. salamat sa ama kong kaaway ko pa rin. umasenso ng konti ang relasyon namin kamakailan dahil sa pagpagawa nya ng kotse at pagpaparehistro nito.
oh sya. tatamasain ko muna ang saya ng trabaho ko dito sa istasyon. dito, tunay at naguumapaw ang kasiyahan ko kahit ako lang mag-isa dito.hay...ito ang buhay!!! tagay naman dyan!!!
Thursday, August 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
indi! ang lalim! hahaha.
Post a Comment