Thursday, September 14, 2006

whewww...

An old friend from Broad Ass wrote this and I'm only too happy to share it with just about anyone and everyone...

Read and enjoy...

Props to Rey Christopher Agapay.
--------------------------------

"Rooftop"
SCENE 1. INT. UMAGA. SA ISANG ACCOUNTING FIRM.

Fresh na fresh in a crisp suit na darating si Angel sa opisina. Isa siyang bagong CPA sa kumpanya.

Pagdating niya sa kanyang cubicle, merong isang malaking-malaking gift box. Magtataka siya kung kanino galing. May card na nakasulat kamay na may first name niya. Sa loob, the note reads:

“Wear this and meet me at the rooftop.”

SCENE 2. INT. SAME DAY. SA STAIRWELL LEADING TO THE ROOFTOP OF THE SKYRISE WHERE ANGEL WORKS.

Close-up shot lang ng makintab na Italian leather shoes ni Angel habang mabigat ang mga yabag na umaakyat sa hagdanan. Medyo pagod na siya dahil mga three flights din ang inaakyat niya kasi hindi na umaabot ang elevator du’n.

Masikip pa yata ang sapatos niya kasi hindi pa niya ‘to nabe-break-in nang maayos. (Bagong bili kasi since he started working last week).

SCENE 1. EXT. UMAGA. SA ROOFTOP.

Darating si Angel sa rooftop. Close-up ng mukha niyang pawis nang konti at medyo humahangos.

May figure na nakatalikod sa kanya some 7 meters away. Pinagmamasdan nito an gang skyline. Parang naka-kung anong costume ‘yung tao.

ANGEL
Hello po?

Close-up ng figure habang dahan-dahang humaharap kay Angel.

Makikita ang look of surprise ni Angel. Close-ups pa rin lahat ng shots.

RAY
I wanted to bring you flowers. But I figured it’s better if I be the flower.

Reveal na naka-big flower costume si Ray. As in nakalusot ang ulo niya sa isang headdress na may nakapaligid na malalaking petals sa kanyang mukha. Ang buong katawan niya green na catsuit at may nakausli pang parang giant leaf sa kanyang tagiliran.

FADE IN LOVE SONG

Mangingiti si Angel.

Reveal na siya ay naka-black-and-yellow bumblebee costume.

END.

No comments: