you might want to indulge...
island boy said this was a joke ..harhar...
-------------------------
Sibika at Kultura
Long Quiz
September 15, 2005
Pangalan :________________________________________ Marka: _______
Lagda ng Magulang: ______________________________
I. Piliin at salungguhitan ang tamang sagot sa mga sumusunod. (8 points)
- Ang ( likas na yaman, gawang tao, milagro) ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na matatagpuan sa kapiligiran na pinagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan sa ating pamumuhay .
- Sa ilalim ng mga (bundok at mga kabundukan, tulay , bangketa ) nakukuha ang karamihan sa ating mga mineral na metal at di-metal.
- Ang likas na yaman ay biyayang pinagkakaloob ng ( Panginoong Diyos, kapitbahay, baranggay tanod).
- Makukuha ang (perlas, plywood, asukal) sa ating yamang tubig.
- Ang pilak, ginto at bakal ay mga halimbawa ng yamang (mineral, tubig, alahas).
- Gumagamit ng yamang mineral na ( semento, asin, bigas) sa pagpapatayo ng gusali.
- Matigas ang mineral na ( metal, di-metal, tubig).
- Ang gulay at mais ay halimbawa ng yamang ( tubig, lupa, mineral).
II. Lagyan ng tsek ( ) ang wastong pangangalaga at ekis ( x ) ang hindi.
(10 points)
_______ 1. Paggamit ng lambat sa paghuli ng isda.
_______ 2. Pagtatanim ng puno sa pampang ng ilog.
_______ 3. Pagtapon ng basura sa ilog Pasig.
_______ 4. Paggamit ng dinamita para sa mas madaming huli ng isda.
_______ 5. Pamamaril ng ibon at usa.
_______ 6. Pangangalaga sa halaman.
_______ 7. Pag-aalaga ng hayop.
_______ 8. Pagbabalik muli sa tubig ng maliliit na isda.
_______ 9. Pagsusunog ng mga halamang gulay.
_______10. Pagtapon ng mga kagamitang gawa sa tanso, bakal at ginto.
- Pangkatin ang mga sumusunod na mga kayamanan ng bansa. Isulat sa tamang kahon. (12 points)
kabibe o shells asukal ginto pusit bangus
pilak bigas mais korales chalk
asin punong narra
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Yamang Mineral
goodluck…
prepared by:
teacher indi
1 comment:
now i'm getting more intrigued about island boy! :)
Post a Comment